本文
Bukod sa buong updated information na nasa pangunang pahina o top-page, ipinamamahagi ang impormasyon ayon sa bawat uri o kategorya tulad ng “impormasyon ukol sa pamumuhay”, at pinakabagong impormasyon ng bawat kategorya sa pamamagitan ng content distribution format (RSS) na ginamitan ng XML technology.
Awtomatikong matatanggap ang pinakabagong impormasyon sa paggamit ng RSS reader, RSS-compatible browser, at iba pa, kahit hindi gamitin ang Hiroshima City website.
Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, ipinamamahagi ang headlines at summaries ng websites batay sa XML format na bumubuo at naglalarawan sa metadata (karagdagang data na naglalarawan sa data information). Ito ay awtomatikong ginagamit sa mga news sites at blogs kung saan madalas na nagbabago ang impormasyon upang mapanatiling bago ang mga artikulo at impormasyong ipinamamahagi. Madaling tanggapin ang pinakabagong impormasyon at iba pa sa paggamit ng RSS reader software o pagrehistro sa RSS reader function ng pangunahing portal sites.
Ihanda ang RSS reader, at mula sa “RSS Distribution Information Updates” ay irehistro ang website address (URL) sa RSS reader. Pagkatapos iparehisto ay awtomatikong matatanggap ang impormasyong ipinarehistro.
Dapat tandaan ang sumusunod sa paggamit ng serbisyo.